Saturday, March 27, 2010

" TIME HEALS.."

Saturday, March 27, 2010
Matagal tagal na din tayong hindi nag-usap, 1 year sa pagkakatanda ko. Isang emosyon ang nagtulak sa aking ipost ito ng makita ko ulit ang graduation gift na binigay mo sakin 2 years ago, natatandaan kong itinago ko ito at tinanggal sa silid ko ng dumating ang pagkakataon na hindi tayo nagkasundo sa isang tao na hindi ko na papangalanan, alam kong naipit ka nun sa aming dalawa, between sa 2 taong mahalaga sa iyo..

Hindi ko din inaasahan ang pangyayaring ito, sa limang taon nating pagkakaibigan madaming beses din tayong hindi nagkakaiintindihan, tampuhan kumbaga. We were not just friends diba, you were already part of my family the way I am with yours. Para na tayong magkapatid noon, hindi mapaghiwalay, magkadugtong ang bituka. Pag wala ka, wala din ako, pag hindi ang sagot mo hindi din ako, kung nasaan ka dun din ako.

Sinong mag-aakalang sa isang iglap magbabago ang lahat. Hindi tayo nakapag-usap matapos ang pangyayaring yon, wala akong masamang intensyon ng panahon na yon, I just cared, bilang isang taong unang masaasktan para sayo, siguro may pagkakamali din ako nun, mas nakinig ako sa sinabi ng ibang tao, ngunit anu bang dahilan nila para paglaruan lang ako at mapaniwala sa sinasabi mong hindi totoo. Pareho tayong nasa taas non, walang gustong bumaba at parehong naniniwalang nasa tama. Hanggang sa pinabayaan na nating lumipas ang araw, buwan, at ngayon 1 taon na na hindi nalinawan ang lahat.

Hindi ko narin naman hinahangad pa na pag-usapan muli ang mga nangyari, ang mga salitang nabitawan natin noon na alam kong dala lang ng mabigat na emosyon, nasaktan mo ako, nasaktan din kita. Malaking issue nga ang pangyayaring iyon, dahil hindi makapaniwala ang batch naten na we end up because of a stupid issue! Stupid diba?! Until now, I still wonder paano nangyari ang gayon.

Galit ako sa'yo sa tuwing naaalala ko ang lahat ng pinagsamahan naten, galit ako sa'yo sa tuwing maaalala ko kung gaano katibay ang samahan naten, galit ako sa'yo sa tuwing naaalala ko na hindi naten binigyan ng pagkakataon ang isa't-isa na magpatawad, galit ako dahil hindi ko ginustong mawala ang pinaka-matalik kong kaibigan, galit ako na sana nanahimik nalang ako noon, kung ginawa ko ba yon ganito ba tayo ngayon?..

" Time heals " ngayon ko napatunayan na matalinghaga at pawang totoo ang kasabihang iyon, okay na ko, hindi ko alam kung kelan at kung darating pa ang panahon na magkakakilala tayo ulit, the way how we accepted each other and became the best of friends! Pero handa na ako ulit, sana ikaw din...

Sana Ikaw din...

1 comments:

lala said...

how sad. :(

Post a Comment

 
◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates