Saturday, December 25, 2010

O V E R A G A I N...

Saturday, December 25, 2010
Kamusta ka na? Pasensya ka na ngayon lang ulit kita nabisita, huwag ka ng magtampo pawang binawasan ko lang ang aking panahon sa pag-oOnline.. Ngayon lang ulit dahil sa mahabang bakasyon..

Hayyy............ alam mo ba nakakatampo, naging abala ko sa pamimili at paghahanda ng mga regalo para sa araw na ito, para mapasaya ko naman ang mga tao sa paligid ko, isang beses lang kasi ito sa isang taon, kaya nais ko palaging mapasaya sila kahit isang araw lang...

Pero bakit ganun, masaya ako para sa kanila, pero para sa sarili ko?.. HINDI.. Isang taon ko na din kasing hinihingi sa KANYA ang isang regalo na lubos na mapagpapasaya sa akin, pero kagaya ng nakaraang Pasko, hindi ko din ito natanggap.. Naiintindihan ko naman, baka ayaw pa nyang ibigay sa ngayon dahil hindi pa ako handa. Pero kelan? Hanggang kelan ako maghihintay? O baka naman, wala naman talaga akong hinihintay?..

Ako naman ay nagsisisi at nagtitika sa lahat ng aking pagkakamali sa loob ng isang taon, alam kong marami akong nagawang kasalanan, at hindi ko naman iyon ikina-kaila, at iyon ay hinihingi ko ng patawad sa KANYA.. Dahilan ba iyon para hindi ako makatanggap ng regalo mula sa KANYA? Marahil...

Minsan lang ay hindi ko maiwasan isipin na nakakapagod din pala, ang maghintay, yung nakikita mo ang ibang tao na kahit wala silang gawin ay nakakatanggap pa rin sila ng espesyal na regalo mual sa KANYA, nakakainggit minsan, pero alam kong mali iyon. O baka naman nalilito lang SYA sa dami ng hinihingi sa kanya ay nalilimutan NYA ang mga hiling ko, o baka naman dahil may mas nangangailangan makatanggap ng regalo mula sa KANYA.. Hindi ko din alam ang mga kasagutan sa mga tanong ko, sapagkat wala naman akong natatanggap na sagot mula sa KANYA..

Hayyy.............. Sana minsan lumingon ka naman, dito oh....... kahit sandali lang, para makita mo naman ang isang hiling na nagmumula sa kaibuturan ng aking puso. Pero okay lang kung hindi mo pa ako mapansin ngayon, maiintindihan ko..

Maghihintay nalang ako ulit ng susunod na PASKO, baka sa panahon na iyon matanggap ko na ang pinakamagandang regalo mula sa iyo..

MALIGAYANG KAARAWAN!
 
◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates