Sunday, July 18, 2010

"AS THEY GREW UP"

Sunday, July 18, 2010
Had a great weekends.

Pakiramdam ko gumaling ako. Leave ako ng Friday, kaya Thursday pa lang ng gabi nasa Bulacan na ako para mgpahinga. Nakapagpahinga naman ako ng isang buong araw. Friday ng gabi dumating ang mga pamangkins ko from school sinundo sila ng dad nila (brother ko) para dito sila mg-spend weekends nila. Three weeks ko na silang hindi nakita kaya sobrang miss ko na sila.

Pagdating nila, niyakap ko kagad ang bunso namen, namiss ko talaga siya, at sa yakap na iyon naramdaman kong namiss nya din ako. Lumaki kasi sya na palaging nakakapit saken, kaya natutuwa naman ako na kahit hindi na sila dito sa amin nakatira, kapag umuuwi sila dito ay hindi pa naman nila ako nakakalimutan. Kung gaano kame ka-close noong maliliit pa sila ganoon pa din naman hanggang ngayon. Kahit 7yrs old na ang panganay at 5yrs old naman si bunso, baby pa din sila parasa akin.

Noong umalis sila dito sa amin, ang takot ko noon baka isang araw kapag nakita nila ako ay hindi na nila matandaan kung gaano kame ka-close, na baka isang araw ay hindi na nila ako kilala. Na hindi mo na sila nakikita sa paglaki nila, na baka habang lumalaki sila nakakalimutan na nila na parte ka ng buhay nila. Iyon ang pinakamasakit para sa akin. Pero sa ngayon mukhang hindi naman. Kapag nandito sila sa amin parang hari at reyna ang dumadating, sila ang nagiging dahilan para magka-bonding moments ang family namen, sila ang dahilan ng saya sa tahanan namin.

Friday night dvd marathon kame, kain ng kung anu-anong chichiria, harutan, kulitan hanggang sa makatulog na. I spend the night with them sa house ng bro ko, minsan lang kasi talaga sila nandito, minsan ko lang sila makatabi sa pagtulog. At the same time iyon lang din ang pagkakataon na kasama ko ang kapatid ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari kahit na may pagkakataon na nagalit ako sa kanya, hindi pa din noon nasira ang pagiging magkapatid namin at pagiging close. Kinalimutan ko na din ang mga nangyari at hinahayaaan ko na lang siya na maging masaya. Pero iyon ibig sabihin na sumang-ayon na ako sa kanya. But for the sake of the kids handa naman ako kalimutan ang mgapagkakamali nya.

Saturday, breakfast lang tapos lipat naman kami sa house ng mom ko, kain ng ice cream, then lunch ng-bonding kame thru ihaw-ihaw ng pagkain namin. After lunch balik ulit sa house ng bro ko till night na.

Sunday morning, prepare na sila para umuwi sa mom nila. Iyon ng routine palagi kapag umuuwi sila dito Sunday morning kailangan na nila umuwi sa mom nila. Syempre sumama ako maghatid sa kanila para ma-spend ko pa ang konting oras with them. Pagdating sa house nila, kwentuhan konti with their mom, kain ng konti, and laugh out loud with kalokohan ng mga kids. Iyon lang ulit ang pagkakataon na nakita ko na magkakasama silang pamilya na nagtatawanan, sa isip ko noon kailan kaya sila ulit mabubuo? Kung makikita mo kung gaano kasaya ang mga bata kapag kasama nila ang mommy at daddy nila ng sabay. Iba ung kaligayahan nila.

Time to say bye to the kids, kailangan na namin umuwi, this is always the sad part, si bunso kasi kapag hinhatid namin sila palaging humahabol. And it sucks to see kung gaano nya kagusto sumama sa amin, pero hindi pwede. Kahit ako it breaks my heart. Kung pwede lang bakit hindi. Kahit nasasaktan ka kailanganmo silang iwanan. The minute na pagtalikod pa lang namin, haaayyyyyyyyy.......... Miss ko na sila kagad. Minsan iniisip ko din, na sana hindi ko nalang sila ka-close para hindi ko sila namimiss, para hindi ko sila palaging hinihintay,but damn! sobrang mahal ko sila.

I'm still hoping in HIS time, mabubuo ulit ang pamilya nila.

Miss ko na kayo sa susunod ulit nating pagkikita.

0 comments:

Post a Comment

 
◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates