At last after almost 3months matatapos na ang training. Ang pinakahihintay naming lahat. Parang ang hirap i-detach ung bonding na meron kame ngayon,mas closer na kase ang group at komportable na ang bawat isa, sa isa't isa. Ngunit sa ayaw man namin at sa gusto kailangan namin tanggapin na madedeploy kame in different divisions, hindi namin alam kung sino ang makakasama namin, new people nanaman at panibagong pakikisama nanaman. Sabi nga namin, pwede bang gumawa ng bagong division na kame pa din ang magkakasama?..
Marami na ang mababago:
1. Wala ng sleeping sessions.
2. Wala ng kain ng kain sessions.
3. Wala ng petiks mode.
4. Wala ng review mode.
5. Wala ng exams na whole day mong sinsagutan.
6. Wala ng araw na papasok ka para tumanga ng 1 buong araw.
7. Wala ng tantrums during hands on.
8. Wala ng mga trip na mag-match ng food na babagay sa ketchup.
9. Wala ng asaran mode.
10. Wala ng "Enchong at Keo' na mangungulit, YES!
11. Wala ng Anna, ang pulis ng batch na galing sa ibang planeta
at ang mga virus nya na nakakahawa.
12. Wala ng Carl na hobby ang pag-cocode ng program.
13. Wala ng Joyce, at wala na din si Rey dahil wala na si Joyce.
14. Wala ng Melvs na bumubuhay sa sense of humor ng lahat.
15. Wala ng Tin na tutulong sakin, maghanap ng mga syntax error ko.
16. Wala ng Toi na nakakaintindi sa nararamdaman ko towards programming.
17. Wala ng Mai ang bunso ng batch.
18. Wala L.A. na kasama lagi sa love triangle, (KEO pagkakataon mo na!)
19. Wala ng Chel ang mommy ng batch.
20. Wala na din ako.
Marami akong natutunan during this training. The courage to try. The guts to hold on and believe na kaya ko. Pero I won't make it kung hindi dahil sa tulong ng mga taong sumusuporta at naniniwala saken.
Ang mga former boss ko sa BFB, dahil hinyaan nila akong tanggapin ang opportunity na ito. At sila din ang dahilan kung bakit pinilit kong kayanin ang training. Sayang naman ang binigay nila sa akin na pagkakataon kung hinyaan ko lang ito na mawala diba?.. Sa mga pagkakataon na gusto ko ng bumigay sila ang sandalan ko, ung trust nila saken ang nagtutulak sakin na kumapit. Kung hindi dahil sa kanila wala ako sa training.
Hindi din magiging successful ito kung hindi dahil sa tulong ng batch 1, noong una akala ko hindi ako magtatagal sa group. Bakit?.. Una, ang babata ng mga kasama ko, matatalino, at pakiramdam ko noon isa ang lang gusto nila ang manguna sa training, kaya they think much of theirselves bago ang iba. Which is kabaliktaran ng objectives ko ng magdecide akong pumasok sa training. Simple lang gusto ko nun, pumasa at makatapos sa training, hindi kailanman pumasok sa isip ko na makipag-kumpetensya sa kanila. Dahil siguro I'm matured enough and I'm over sa school life environment. I admit na sobrang bored ako nun sa training, tinatamad, akala ko kase nun tapos na ako sa pagiging estudyante. Pero nung training kailangan kong ibalik ung enthusiasm ko sa pag-aaral. Dahil hindi ako magsu-survive kung hindi ako mag-aaral. Pinilit ko talaga ang sarili ko. At ng simulan kong bumuo ng bond sa kanila, na-proved kong hindi ka naman pala nila iiwan, ng-start talagang magtulungan para pumasa ang lahat.
Halfway ng module, I've decided to quit, kinontak ko talaga ang prof namen to tell that I'm quitting, I'm running out of reasons nung time na yon para mag-quit. Good for me na hindi sya pumayag, at least ngayon patapos na ko sa training. Hindi ako makatulog ng panahon na yon, isa lang kasi ang gusto ko noon, ang mag-quit. But someone told me some lines of encouragement at tumatak talaga yon sa isip ko:
"Quitters never win, how are you supposed to get what you want in life, if you don't go thru it the hard way"..
Which is true talaga, if you dont want to risk, then you dont want it bad enough. Buti nalang pinakinggan ko sya. At ngayon ang sarap sa pakiramdam ng achievements na ito. But 50% of it I owe it to Sir POGS! Dahil binigyan nya ako ng pagkakataon..
Hindi ko alam kung panu ako magpapasalamat sa inyong lahat.
Kay Anna, na matyagang nagwa-walk through sa program ko, kahit sobrang tamad ako dahil sa kanya pinipilit kong magsipag.
Kay Carl, sa lahat ng help sa pagde-debug.
Kay Joyce at Melvs, na source palagi ng program codes ng lahat, thank you guys for not being selfish.
Kay Tin at Toi, na hindi ako iniiwan hangga't hindi ako nakakatapos.
Sila ang madalas tumulong sa akin, I owe it you guys! Thank you!
And to the rest of the batch, sa bondings naten. Thank You! Mami-miss ko kayo. Back to normal na ako. Sana once in a while kahit magkakahiwaly na tayo, minsan lumabas tayo together!
"ONE FOR ALL, ALL FOR ONE, TOGETHER WE STAND!"
"BPI-CSC AITS BATCH 1 OF 2010, LUCKY 13..