Sunday, June 20, 2010

"SAKTO"

Sunday, June 20, 2010

'Parang tiwala pag nasira na bigla-biglaang talaga, mahirap ng idikit ang tiwala pag napunit" -TSOKOLATE by Parokya ni Edgar

Theme song namen yan ng "bestfriend" ko nung college. Should I call it bestfriend? may nagsabi nga sa akin, hindi bestfriend ang tawag dun kung madali itong nasira ng mga stupidong bagay. Tama nga naman. I strongly agree. Natatandaan ko ang huli kong post dito ay nabanggit ko pa sya that I was able to accept the fact na hindi na kame magiging okay kailanman. Totoo naman eh, natanggap ko na at okay na ko. Ganun talaga ang buhay hindi ba? some people will leave you, you just have to accept.

Pero bakit ko ba ito pino-post dito, bakit ko naisipan magsulat tungkol sa kanya. Hindi ko din alam, I'm stupid to think, pero sobrang tamang tama ang timing nya na bigla nya akong naalala. One month ago na ang birthday ko, she sent me a message "Belated Happy Birthday!" Nung moment na iyon sobrang lutang ako kase nga depressed ako with my new assignment, kaya ng makita ko ang sender ng message na yon nagulat ako, hindi ko nga alam kung magrereply ako sa text na iyon, I was thinking "baka wrong sent?, baka hindi siya yon?, baka someone is just using her cellphone?" I asked a friend kung magrereply ako, sabi nya mag-thank you ka sabihin mo lang "Thanks!" Then I texted her "Salamat and yngat". Pero right at that moment nag-flashback talaga ung college life namen, medyo sumaya ako ng maalala ko lahat pero nalungkot ako wishing I could turn back time, I miss her honeslty and her family.

Ngayon kase, I keep everything to myself. Wala eh, no one is around to be my keeper. Unlike dati, sabi nga nila magkadugtong ang bituka namen.

The night that day I texted her ulit, "Kmzta kn?"

Hindi din naman ako umaasa na mag-rereply siya, and like what I've expected hindi na siya sumagot. Naisip ko nun, maybe gusto nga lang nya ko batiin in later time, dahil siguro binati ko rin sya noong kaarawan nya late na din. It was fine with me, nakalimutan ko na nga na nag-text pala ako sa kanya.

The next morning, she texted me "Ui pacenxa kna ngaun lang ako nkareply, ok lang naman pu ako, kw?"

Nag-isip pa ko ng matagal kung anung isasagot ko, maybe dahil I already forget how to talk her to her, morethan a year na din kase na hindi talaga kame nag-usap, thats why I was too mute that moment. I just told her "Masaya nman ako at naalala mo aqng itxt". Medyo nag-usap naman kame, kahit na mararamdaman mo na it is in a cold manner. Hindi ako alam kung ito ba ang tamang pagkakataon para magka-ayos kame, pero wala pa ding nagbabago sa amin, pareho pa ding mataas ang pride namen, like the old times. Pero at least nakapg-kwnetuhan kame kahit papano about what is happening today. Medyo nabawasan ang depression ko. At hindi na din namen pinag-usapan ang mga issue ng nakaraan. Better yon diba, wala nga lang closure ang nangyari.

I wish I can tell her how much I miss my bestfriend. Pero okay na siguro iyon, we have a different life now, tama na siguro na okay na kame kahit papano, yung alam namen na we are forgiven kahit hindi na sabihin alam kong the moment that we took time to talked kahit hindi personaly, alam kong napatawad na namen ang isa't-isa. I wish her the best of everything, and siguro handa at kaya ko pa rin pala syang tulungan kapag pinuntahan nya ako at kailangan nya ng taong tatayo sa tabi nya. Sabi ko noon I will never ever be there for her kahit pa maging a matter of life and death I won't. Pero mali pala ako, I can still be there despite of everything,
"if she will ask to.

"LONGING"

Ngayon lang ulit ako makakapag-update ng blog, marami namang nangyari nitong mga ngdaang araw pero ni hindi ko naisipang isulat ito siguro dahil "I lost a will to express an emotional, practical, and other reason to write" hindi ko din alam kung bakit marahil na rin siguro masyado akong nalungkot sa bagong work assignment ko at kailangan ko talaga ng malalim na pag-iisip at pagtitimbang sa mga bagay-bagay.

Mukhang hindi maganda ang pasok ng buwan na ito.

JUNE 02, 2010 - Ito ang araw na ibinigay sa amin ang bago naming work assignment, 'I got depressed and frustrated' BAKIT? dahil salungat ito sa napag-usapn namin noong una akong na-interview para sa training. Natatandaan ko noon ng tanungin nila ako kung bakit ko gusto lumipat sa Systems Group. Isa lang ang sagot ko noon, dahil gusto ko ng technical work, dahil mas gusto ko ng software and hardware troubleshooting. Ngunit sinabi nila sa akin na kahit ito raw ang gusto ko kailangan ko dumaan sa isang extensive training, but the the training is programming, kapag nakapasa ka raw pwede ka ng mapunta sa operations.

I accepted, at syempre I expected na mapupunta ako sa operations after the training. They keep on asking bakit operations ang gusto ko, better daw if I became a programmer, marketable. Pero kahit anu pa mang opportunity ang meron ang isang programmer hindi ko iyon hinahangad. After all, para sakin it's not the salary. Nakapagtyaga nga ako na nasa training ako and I'm receiving lesser than my co-trainees. Marahil iisipin nyo ang corny ko naman sa ganitong pag-iisip. Pero iyon ang totoo, gusto ko lang masaya ako sa gingawa ko. Simpleng tao lang ako na gusto ng isang simpleng buhay.

Napunta ako sa isang team, as a system designer and developer, overview pa lang ng objective ang team na ito, hay... It really sucks! kahit anu pa man ang objective nila hindi pa rin ako ma-convince' simple lang dahil hindi ko pa rin ma-absorb na I'll be spending 3 yrs for something na hindi ako masaya. It's not being a programmer, it's the tool we are using. Dahil sa pagka-powerful ng mainframe its the first thing na ibibigay sa iyo at sinceito talaga ang system na ginagamit nila as a beginner in the group wala kang choice. Ngunit kahit gaano pa ito ka-powerful it doesn't suffice my interest. I'm suffering emotionally, mentally and rigidly.

Until now, nag-iisip pa rin ako, hindi ako pagod sa trabaho, pagod ako sa pag-iisip ng isang mabisang desisyon. Im planning to resign one of these days, bago ako pumirma ng bagong contract on September. Pero pinag-iisipan ko pa itong mabuti ng paulit-ulit. Im thinking of best ways. That's my plan A. Some said pwede pa akong bumalik sa dati kong group, but it doesn't suit well to me. Hindi dahil hindi ko gusto sa kanila, I love to work with them, and I have learned to love their work. Kundi dahil, hindi ko na sila gustong guluhin, sobrang hassle na ang naibigay ko sa kanila, I don't deserve to have them back. I deserve to have this frustration. It's my consequence.

Sana na lang one of these days, HE'll just drop an effective step towards. To let me know this is what HE wants me to be. That HE'll give me wisdom to be able to accomplish a purpose, to function effectively with my group, and to provide them an intended result.

That HE will bristled with my plan, if I'm planning in the wrong way. I actually told my Mom what I am feeling right now, sabi nya:

"Magdasal ka, na bigyan ka nya ng sagot sa mga tanong mo, na makaya mo
lahat, na gabayan ka nya sa lahat ng pagkakataon"

That's what Im longing right now.....

"ASK AND IT WILL BE GIVEN TO YOU, SEEK AND YOU WILL FIND"

 
◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates