Sunday, March 28, 2010

" Mahal Kita Kasi " by Nicole Hyala

Sunday, March 28, 2010
Sa wakas after ng ilang days ng paghahanap ng lyrics natagpuan ko din. Weekends lang kasi ako makapag-online.

Na-LSS kame ng kantang ito ng ipresent ito sa Goin' Bulilit, ang ganda kasi ng pagkakadeliver ng mga chikiting na un! Hindi ako mahilig sa mga novelty songs, ang corny nga ng mga novelty songs karamihan. Pero talagang isa ito sa mga nagustuhan ko. Araw-araw kong kinukulit ang mga officemates ko na isulat ang lyrics nito, pero ni isa sa kanila hindi ito maisulat.

Haha! naunahan ko kayo!

"Mahal Kita Kasi" by Nicole Hyala

Bangin ka ba kasi
nahuhulog na ako sayo
naman kasi

Unggoy ka ba kasi
sumasabit ka sa puso ko
naman kasi

Pustiso ka ba kasi
you know I can’t smile without you

Pagod na pagod na ako
maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko
kasi naman
kasi mahal kita

Bagay tayong dalawa
pa-picture nga
para mapadevelop kita
Hindi tayo tao hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga

Papupulis kita
kasi ninakaw mo ang puso ko
naman kasi

Kuto ka ba kasi
palagi ka sa ulo ko
naman kasi

Apoy ka ba kasi
Alab… alab…
I love you

Magsalbabida ka nga
Kasi baka malunod ka sa pag-ibig ko
kasi naman kasi
Mahal kita

Bagay tayong dalawa
pa-picture nga
para mapadevelop kita
Hindi tayo tao hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga

Kamuka mo si Papa P, Dingdong
Papa P
Papa P, Dingdong

Exam ka ba kasi
Sasagutin kita agad agad
Naman kasi

Drugs ka ba kasi
Kaka-adik ka kasi kasi
naman kasi

Kulangot ka ba kasi
you’re really really hard to get

Posporo ka ba?
eh di posporo rin ako para match
kasi naman kasi
mahal kita

Bagay tayong dalawa
pa-picture nga
para mapadevelop kita
Hindi tayo tao hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga

Pustiso ka ba kasi
I really really can’t smile without you

Saturday, March 27, 2010

" TIME HEALS.."

Saturday, March 27, 2010
Matagal tagal na din tayong hindi nag-usap, 1 year sa pagkakatanda ko. Isang emosyon ang nagtulak sa aking ipost ito ng makita ko ulit ang graduation gift na binigay mo sakin 2 years ago, natatandaan kong itinago ko ito at tinanggal sa silid ko ng dumating ang pagkakataon na hindi tayo nagkasundo sa isang tao na hindi ko na papangalanan, alam kong naipit ka nun sa aming dalawa, between sa 2 taong mahalaga sa iyo..

Hindi ko din inaasahan ang pangyayaring ito, sa limang taon nating pagkakaibigan madaming beses din tayong hindi nagkakaiintindihan, tampuhan kumbaga. We were not just friends diba, you were already part of my family the way I am with yours. Para na tayong magkapatid noon, hindi mapaghiwalay, magkadugtong ang bituka. Pag wala ka, wala din ako, pag hindi ang sagot mo hindi din ako, kung nasaan ka dun din ako.

Sinong mag-aakalang sa isang iglap magbabago ang lahat. Hindi tayo nakapag-usap matapos ang pangyayaring yon, wala akong masamang intensyon ng panahon na yon, I just cared, bilang isang taong unang masaasktan para sayo, siguro may pagkakamali din ako nun, mas nakinig ako sa sinabi ng ibang tao, ngunit anu bang dahilan nila para paglaruan lang ako at mapaniwala sa sinasabi mong hindi totoo. Pareho tayong nasa taas non, walang gustong bumaba at parehong naniniwalang nasa tama. Hanggang sa pinabayaan na nating lumipas ang araw, buwan, at ngayon 1 taon na na hindi nalinawan ang lahat.

Hindi ko narin naman hinahangad pa na pag-usapan muli ang mga nangyari, ang mga salitang nabitawan natin noon na alam kong dala lang ng mabigat na emosyon, nasaktan mo ako, nasaktan din kita. Malaking issue nga ang pangyayaring iyon, dahil hindi makapaniwala ang batch naten na we end up because of a stupid issue! Stupid diba?! Until now, I still wonder paano nangyari ang gayon.

Galit ako sa'yo sa tuwing naaalala ko ang lahat ng pinagsamahan naten, galit ako sa'yo sa tuwing maaalala ko kung gaano katibay ang samahan naten, galit ako sa'yo sa tuwing naaalala ko na hindi naten binigyan ng pagkakataon ang isa't-isa na magpatawad, galit ako dahil hindi ko ginustong mawala ang pinaka-matalik kong kaibigan, galit ako na sana nanahimik nalang ako noon, kung ginawa ko ba yon ganito ba tayo ngayon?..

" Time heals " ngayon ko napatunayan na matalinghaga at pawang totoo ang kasabihang iyon, okay na ko, hindi ko alam kung kelan at kung darating pa ang panahon na magkakakilala tayo ulit, the way how we accepted each other and became the best of friends! Pero handa na ako ulit, sana ikaw din...

Sana Ikaw din...

" R M D "


Huli na ang post ko, ang totoo nakagawa na ko nito bago pa ako umalis, ngunit bigla akong na-confused non kea hindi ko pi-nost at tuluyan kong dinelete ang file na un, minsan talaga pag tintoyo at sumusumpong ang mood swing ko ganun ang nangyayari..

This is for you guys... Simulan na?.. Syempre kung may mensahe kayo sakin, ako din meron..

Magsimula tayo sa pinakataas..

VP Louie Ballelos - Hearthrob?.. sa palagay ko, kase kapag nakikita sya ng mga tao abot tenga ang ngiti ng mga girls at gusto nila laging magpapicture. Sobra sobra ang pasasalamat ko sa kanya, nung last day ko, sobrang kaba ang nararamdaman ko dahil sa issue na wala pa kong kapalit para makaalis, but then it was warm and fine nung nag-goodluck sya sa akin, and to make me feel it was okay..

AVP Amy Dio - Meticulous................................

MGR Jonathan Uy - Someone I'm trying to look forward to kung nag-stay ako it's just that kung pinili kong mag-stay I would really strive hard to go the path he takes, to follow his trail.

AM Fancesca Marie Tamula - Bos ko, at pinili kong maging bos. But morethan my supervisor, I also love to be a friend, maniwala ka man o hindi.. hehe..

AM Mary Grace Ramos - Naman, eto ang taong magpaparamdam sayo na lagi kang may pagkakataon para itama kung may pagkakamali ka. "Wag kang matakot na baka magkamali, walang mapapala kundi magbabasakali, dahil lumilipas ang oras... " A great friend...

MGR Alvin Miranda - Teka ok lang ba to? baka mabasa ng pulis.. hehe.. Hearthrob din kase.. Gentle and Generous..

MGR Omar Guzman - ahhhhhhhhhhhhhhhhhhh..........

MGR Elinor Abellare - Syempre, dahil kay Mam Eli nagagawa kong gawin ang report nya ng Ageing ng half day lang, kase kukulitin nya ko lagi, hehe..

Mario Isleta - Tandem w/ Sir Alvin, the best! Follow your heart! hehe..

Anne Lorraine Derla - Iba to, expect the unexpected, hindi ka mapapahiya sa kanya..

Tropang Adik - Che, Cath, Paul, Julie, Raine, Rona, kung wala sila mas lalong hindi ako tumagal sa RMD.. Sila ang definition ng ice cream pag lunch, ng lunch out na hindi alam kung san kakain, ng meryenda sa labas na mauubos ang 30mins bago mgdecide na sa Manong Pepe nalang pagkatapos mo maglakad ng malayo, definition ng mga naka-royal, kaya nga adik! I love you guys!

Sisters and Company - Kels, Jenny, Joanne, Kai, Lyn.. Thank You!

Neri - Sya ang taong mas naniniwala pa sa kakayahan ko, kesa naniniwala ako sa sarili ko, kahit minsan may toyo naiintindihan ko pa rin sya, at handa naman akong intindihin sya, its the respect that will push you thru..

Carlo - Likas na pasaway!

Billy, Jacq, Tin, J-Ann
- Pagbutihan lang sa work, tyaga, tyaga lang.. Lahat ng sacrifices may rewards palagi nyu un tatandaan. J-Ann baguhin ang mindings! Okei?!

And sa mga CIs - Kirk, Cris, Gerry, Dennis, Pabs, Sir Jun, Sir Vic, Sir Branny, Sir Billy na palaging akong kino-convince na kahit kakaiba ako it will always be a plus factor.. Thank You!

Tita Lilay - Thank you sa lahat ng support and advices!

Sir Dennis Legwork- Thank You!

May nakalimutan pa ba ko?..

RMD - Masaya ang mga tao, walang pressure, nag-ugat man sa iba't- ibang mundo at pananaw sa buhay matutunan mo silang mahalin. You will learn to adapt, and set aside the indifferences. Maigsi man ang span ng ating mga pinagsamahan, you guys will always be part of me, I learned a lot from all of you. Nandito pa din ako in case you need me, hindi kayo magdadalawang salita saken..

"No one will forget and Nothing will be forgotten."

/* Signing Off


" HULI NA KO.. "


" Napagiwanan na ko ng panahon, sa perspektibong ngayon palang ako bumubuo ng direksyon, habang sila ay patungo na sa kabilang direksyon"

Ngunit ang mahalaga ay handa akong tahakin ang direksyong paparating.. Maiwan man nila ako, ako man ang mahuli sa finish line, atleast sumunod ako at dumating, diba?.. Kung minsan nga lang napagmumuni-muni kong dinaanan din ba nila ang daan na tinatahak ko, may lubak din kaya silang nadaanan, o narasan din ba nilang madapa habang tumtakbo patungo sa finish line?.. Mas madilim ba sa daan ko?.. Dahil mag-isa ako?.. Habang sila ay sabay-sabay na tinatahak ang daang iyon..

Kung sumabay ba ako sa kanila hindi nila ako iiwan?.. Nasaan na kaya ako ngayon kung pinili kong sumama sa kanila?.. Maswerte din ba kong makakarating sa finish line kung kasama ko sila?..

Makakarating naman ako diyan, kung hihintayin nyu ako....

Medyo matagal nga lang, gaano ko man kagustong bilisan, mas pinili kong maglakad na alam ko ang pupuntahan ko kaysa tumakbo na hindi ko alam ang tamang direksyon, pero darating ako..

Darating ako, PANGAKO....


" IN YOUR JOURNEY "

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima....

Hindi ko na matandaan daan kung kailan ako huling ngpost ng blog, nasa kolehiyo pa ata ako ang huli, ngunit gumawa ako ng bagong blogsite account sa kadahilanang ang luma kong site ay kinalimutan ko na, bakit? dahil ang site na un ay mga post sa nakaraan na dapat ng kalimutan..

Mahabang istorya kung bakit, wag mo ng alamin, isang punto lamang iyon, " dapat mong kalimutan ang mga bagay na nakasakit sa iyo, ang mahalaga natuto tayo dun..

Gusto ko lang i-welcome ang sarili ko sa new site ko at sa pagbabalik ko sa pagsusulat, bakit nga ba ako bumalik dito?.. wala, wala naman..

Abangan...
 
◄Design by Pocket, BlogBulk Blogger Templates